PNP Chief Eleazar, iniangat pa ang morale ng mga pulis na maayos ang serbisyo sa Naga City

NAGA CITY- Inangat pa ni PNP Chief General Guillermo Eleazar ang morale ng Naga City Police Office at mga personaheng maayos ang serbisyo.

Sa pag-iikot nito sa ilang police stations sa Command Visit sa Naga City, pangunahing tiningnan ang kalinisan. Unang pinuntahan ang Police Station 2, napansin ng PNP Chief ang kalumaan ng himpilan subalit nangibabaw ang obserbasyon na malinis. Pinuri rin ang apat na mga pulis na ginawaran ng medalya ng kagalingan sa pagkakaaresto ng isang High Value Target Individual.

Pagpupunto ni Eleazar, ang mga awardee at kalinisan ng police stations ay sumasalamin o ang mukha kung anong mayroong mga pulis ang lungsod at buong hanay hindi ang iilang bugok.

Pakatapos ng command visit nag courtesy call ng PNP Chief sa alkalde at ilan pang opisyal ng lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *