PNP chief Eleazar sa police force: ‘You will hate me’

“You will hate me.”

Ito ang malinaw na mensahe ng bagong talagang Philippine National Police (PNP) chief na si Gen. Guillermo Eleazar.

Sa kanyang mensahe sa change of command ceremony sa Camp Crame, inilatag ni Eleazar ang kanyang mga plano bilang bagong head ng PNP, kabilang na ang paglilinis sa hanay ng pwersa ng kapulisan.

Babala nito, hindi siya magdadalawang-isip na magtanggal ng mga tiwaling pulis.

Kaugnay nito, nangako rin si Eleazar na hindi papasok sa anumang corrupt activities sa panahon ng kanyang termino.

Ang dating deputy chief for administration ng PNP at dating head ng Joint Task Force COVID Shield, ang pumalit kay Police Major General Debold Sinas. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *