PNP Chief pinatutukan ang mga lugar na may mahigpit na political rivalry

Ipinag-utos ni Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Eleazar sa kanyang mga tauhan na tutukan ang mga lugar sa bansa na mayroong mahigpit na political rivalry.

Ginawa ni Elezar ang pahayag kasabay ng simulation exercise ng PNP sa iba’t-ibang scenario ngayong panahon ng eleksiyon.

Kabilang na dito ang shooting incidents, assassination attacks, bomb threat, fire incident, pagdagsa ng mga taga suporta ng mga pulitiko at marami pang iba.

Aabot naman sa 16 na PNP Regional offices ang lumahok sa nabanggit na simulation exercises.

Samantala tiniyak naman ng hepe ng pambansang pulisya na ipapatupad ang mahigpit na seguridad sa mga lugar kung saan maghahain ng COC ang mga kandidato na nagsimula na ngayon araw at magtatapos sa October 9.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *