PNP chief: ‘Proof of lapses’ kailangan bago kasuhan ang mga umaabusong pulis

Binigyang diin ni Philippine National Police (PNP) chief Guillermo Eleazar na kailangan ng malakas na ebidensya at hindi lang basta-basta hula, para patunayan ang pang-aabuso sa kapangyarihan sa panig ng mga pulis, bago maihain ang kaso laban sa kanila.

Ayon kay Eleazar, bagama’t hindi kinokonsente ng PNP ang anumang misconduct sa kanilang hanay, ay kailangan naman sa legal procedure ang proof of lapses sa pagsasagawa ng operasyon na magreresulta sa pagkamatay ng isang suspect.

Giit nito, hindi nagkulang ang PNP sa paghahain ng homicide cases laban sa mga tiwaling pulis na nakapatay ng suspek na walang sapat na dahilan.

Ang punto ng PNP chief, mayroon laging presumption of regularity sa pagsasagawa ng police operations.

Sa huli, hiniling ni Eleazar ang suporta at kooperasyon ng publiko upang malinis ang police force. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *