PNP-CIDG, patuloy ang imbestigasyon sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNP Criminal Investigation and Detection Group sa kaso ng pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, may iba silang tinitingnang anggulo bukod sa umano’y love triangle.

Nakuhanan na rin umano ng testimonya ang ilang witness , ang isa sa kaibigan ni Camilon kung saan nabanggit na huling kikitain ng beauty queen ang person of interest na isang pulis.

Nakuhanan na rin ng pahayag ang dalawa pang testigo na umano’y nakakita kay Camilon na duguan habang inililipat mula sa kanyang kotse papunta sa ibang sasakyan.

Hindi aniya nagmamadali ang CIDG sa paghahain ng kaso dahil nangangalap sila ng mas maraming ebidensya para makabuo ng mas malakas na kaso laban sa mga persons of interest sa kaso ni Camilon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *