PNP Forensic Unit Head pinangunahan ang pagbubukas ng Forensic Unit Office sa Naga City; Opisyal nagpasalamat sa LGU-Naga

NAGA CITY – Naging pangunahing bisita sa pagbubukas ng Naga City Forensic Unit Office kahapon ay si Police Brigadier General Constancio Chinayog Jr. na siyang head ng Phil National Police Forensic Unit sa buong bansa,na sa kanyang mensahe ay naglaman ng pasasalamat sa lokal na pamahalaan dahil sa pag agapay sa kanilang ahensiya na magkaroon ng ganitong opisina na malaking tulong sa kanilang crime investigation.

Ayon naman kay Police Lt. Col.Margarita Libres,head ng Forensic Unit ng Naga City Police Office,bukas ang kanilang unit na pansamantalang nasa civic center sa lahat subalit prayoridad ang mga taga lungsod,bago ang karatig-bayan.

Sa pahayag naman sa Brigada News Fm Naga ni City Councilor Lito Del Rosario,chairman ng Inter-Agency Relations,nabanggit niya na kailangan ng pulisya ang unit na ito lalo na sa pag iimbestiga ng mga malalaking krimen gamit ang makabagong sistema at kagamitan,na nasa office na rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *