PNP HPG nakilahok sa Brigada Eskwela sa bayan ng Talisay

CAMARINES NORTE- Nakilahok ang mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group sa nagpapatuloy na Brigada Eskwela.

Sa F. David Elementary School at Talisay Central Elementary School na kapwa matatagpuan sa bayan ng talisay ay nag- donate ang Provincial Highway Patrol Team sa pangunguna ni PMaj Loreta Salgado ng mga kagamitan tulad ng trash can, timba at walis.

Ang Brigada Eskwela 2022 ay may temang “Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral”.

Ayon sa DepEd  tutugunan ng Brigada Eskwela ang learning resource gaps para sa mga guro at mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapalakas ng partnership sa local at national level.

Ang Brigada Eskwela ay nakaangkla sa diwa ng bayanihan at maging prime mover ng volunteerism at community involvement.

Karaniwang ginagawa sa Brigada Eskwela ay paglilinis, pagpipinta, at paggawa ng mga kinakailangang pagkukumpuni sa mga pampublikong paaralan upang maihanda ang mga ito bago ang muling pagbubukas ng mga klase.

Sinimulan ng DepEd ang nationwide Brigada Eskwela para sa School Year 2022-2023 noong Agosto 1na magtatapos sa Agosto 26.

(Photo: PNP HPG)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *