PNP HPG personnel mula sa iba’t-ibang lalawigan sa Bicol nagtipon-tipon dito sa Camarines Norte noong weekend para sa dalawang mahalagang aktibidad

CAMARINES NORTE – Nagtipon-tipon dito sa lalawigan ng Camarines Norte noong weekend ang mga personnel ng Philippine National Police Highway Patrol Group para sa dalawang mahalagang aktibidad.

Noong Biyernes ng hapon ay ginawa ang Marksmanship Proficiency Training o ang tamang paggamit ng baril ng mga pulis partikular ng mga tauhan ng Regional Highway Patrol Unit 5 sa firing range ng Camp Wenceslao Q Vinzons, Camarines Norte Police Provincial Office sa Dogongan dito sa Daet.

Mahalaga ang marksmanship retraining para sa uniformed personnel partikular ang mga pulis at sundalo upang maging asintado sa paggamit ng baril at maging kampante ang mga ito sa paggamit ng pwersa kung kinakailangan.

Ito ay upang maiwasang madamay ang mga inosenteng tao sakaling may engkwentro o pagkakataon na kailangang gamitin ang kanilang baril.

Ginawa rin ang Marksmanship Proficiency Training alinsunod sa tagubilin ng Director ng HPG sa command visit nito sa RHPU5 noong Setyembre.

Sa gabi naman ay pinangunahan ni PLTCOL Ruel Salvino, Deputy Regional Chief ng RHPU5 ang Command Conference na ginanap sa isang resort sa Jose Panganiban.

Sa naturang command conference ay nag present ng kanilang 3rd quarter operational accomplishments ang Provincial Highway Patrol Team ng Sorsogon at Catanduanes. Kasunod nito ang pamamahagi ng issued helmets at iba pang riding gears sa Motorcycle riders ng RHPU5 personnel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *