Categories: NationalTop Stories

PNP, iimbestigahan ang pagkamatay ng senior citizen sa community pantry ni Angel Locsin

Iimbestigahan ng Philippine National Police ang pagkamatay ng isang senior citizen, habang nakapila sa community pantry na inorganisa ng aktres na si Angel Locsin para sa kanyang kaarawan, kahapon sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.

Kaugnay nito, hinimok ni Interior Secretary Eduardo Año ang community pantry organizers na makipagtulungan sa mga local government units at sa Philippine National Police para matiyak na nasusunod ang COVID-19 protocols.

Sa ngayon, hindi pa umano nila masasabi kung sinu ang may pananagutan hanggang sa makompleto ang kanilang imbestigasyon.

Batay sa ulat ng pulisya, alas 2:00 pa ng madaling araw nakapila ang naturang matanda, at pagdating ng alas 9:00 ng umaga ay nawalan ito ng malay.

Naisugod pa ito sa East Avenue Medical Center, pero ideneklara ring dead on arrival.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

7 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

7 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

7 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

7 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

7 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

8 hours ago