PNP, itinangging may nangyaring data breach sa kanilang operation records

Itinanggi ng Philippine National Police na nagkaroon ng data breach sa PNP Drug operations.

Sa isang post sa social media na X, nalantad umano ang drug operations records ng PNP sa dark web.

Pero ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, mismong ang Anti-Cybercrime Group ang nagsabing hindi ito totoo at tila recycled lang ang impormasyong kumakalat sa social media.

Ganun pa man sinabi ng opisyal na patuloy ang validation ng ACG at akikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Information and Communications Technology o DICT.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *