PNP, mahigpit na tututukan ang mga ‘post-election’ incidents

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kahit 100% nang tapos ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, hindi rito natatapos ang kanilang pagbabantay para masiguro ang mapayapang halalan.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, mahigpit pa rin nilang tututukan ang mga posibleng ‘post-election incidents’.

Kabilang na rito ang mga kumo-contest sa mga resulta ng halalan at ayaw na matanggap ang kanilang pagkatalo.

Sabi ni Fajardo, marami pa ring mga PNP personnel ang mga naka-deploy lalo na sa mga areas na may mga na-monitor silang tensyon matapos ang proklamasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *