PNP, nagdagdag ng pwersa sa Abra kasunod ng pag withdraw ng mahigit 250 kandidato

Nagdagdag ng mga tauhan ang Philippine National Police sa probinsiya ng Abra kasunod ng pag withdraw ng mahigit 250 kandidato para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa probinsiya.

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame kaninang umaga, sinabi ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., pinalakas nila ang seguridad sa probinsiya sa pamamagitan ng pagdedeploy ng 352 police personnel kung saan 109 ang mula sa Reactionary Standby Support Force , ang ibang pulis ay mula sa Special Action Force at Provincial PNP.

Nagpapatuloy aniya ang imbestigasyon sa pinaka dahilan ng pag withdraw ng mga kandidato.

Ilan kasi sa binigay na rason ng pagbwithdraw ay makaraang makausap ng mga ito ang kanilang elders o clan tribe at ang iba naman ay dahil sa natanggap na banta at intimidation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *