PNP, nagpasalamat sa Senado sa pag apruba sa pagpapatupad ng reporma sa ahensya

Nagpasalamat ang Philiipine National Police (PNP) sa Senado sa pag-apruba sa ikatlo at huling pagbasa ng panukalang batas na layong magpatupad ng reporma sa kanilang hanay.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, napapanahon ang PNP Reform Bill dahil ito ang solusyon sa dysfunction sa kanilang organisasyon.

Marami na aniyang pagbabago sa trabaho ng mga pulis mula nang nilikha ang PNP noong 1991, na wala sa kasalukuyang organizational structure.

Inihalimbawa ni Fajardo ang anti-cybercrime units at Information and Communications Technology Units ay wala sa orihinal na organisasyon ng PNP.

Umaasa ang PNP na hindi magtatagal ay malalagdaan na ng Pangulo ang naturang panukala upang maging ganap na batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *