PNP, nagpasalamat sa suporta ng Palasyo sa Cris Bunduquin slay probe

Winelcome ng Philippine National Police (PNP) ang ginawang suporta ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa mabilis na pagtunton sa mga nasa likod ng pamamaslang sa local radioman na si Cris Bunduquin.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda an pinupuri nila ang ginawang pag-alok ng pabuya para sa makapagtuturo o makapagbibigay impormasyon sa mga suspek.

Kabilang na rito ang P50,000 na reward na inialok ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS), pati na rin ang karagdagang tulong mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission.

Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin umano ang masusing manhunt operations laban sa mga suspects na nakatakas.

Kukuhaan na rin ng affidavit ang mga testigo para makumpirma kung ang kanila bang mga persons of interest ay kasama rin ng gunman at ang namatay na suspek.

Kung maaaala, napatay na ang isang suspek na si Narciso Guntan matapos ‘aksidenteng’ mabangga raw ng anak ng biktima.

Ang isa pang suspect ay pinaniniwalaang ‘triggerman’ sa krimen. //LGD, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *