PNP, nagsampa na ng kaso vs suspek sa pamamaslang kay Cris Bunduquin

Nagsampa na ng kasong kriminal ang Philippine National Police laban sa identified second suspect sa pamamaslang kay Cris Bunduquin.

Ayon kay Police Regional Office Mimaropa Regional Director, Police Brigadier General Joel Doria, naisampa na ng binuong Special Investigation Task Group ang kaso sa Office of the Prosecutor sa Calapan City.

Una nang sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda na positibong natukoy na nila ang pagkakakilanlan ng suspek, pati na rin ang kinaroroonan nito.

Kung maaalala, ang isang suspect na sinasabing nagmaneho ng motorsiklo ay una nang napatay matapos ‘di umanong’ ‘aksidenteng’ mabangga ng anak ng biktima.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *