PNP, naka-alerto na matapos ang ‘twin bombings’ sa Central Mindanao

Inatasan na ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng kanilang Unit Commanders sa buong bansa na mas higpitan pa ang seguridad kasunod ng mga nangyaring pambobomba sa Central Mindanao.

Ayon kay PNP Directorate for Operations Police Major General Valeriano de Leon, nag-isyu na ang Pambansang Pulisya ng isang memorandum na nag-uutos sa lahat ng police regional directors na siguruhing walang kahalintulad na ‘bombing’ ang mangyayari sa kanilang mga nasasakupan.

Sa inilabas na memorandum, pinatitiyak sa mga kapulisan ng bawat munisipalidad na magsasagawa ang mga ito ng inspeksyon sa lahat ng mga transport terminal at paiigtingin ang pagbabantay sa mga pampubliko at matataong lugar.

Bukod dito, inatasan na rin aniya ang mga Unit Commanders na magsagawa ng mga checkpoints para mas mapalakas pa ang intelligence gathering.

Maituturing na isang pananakot umano ang naganap na magkahiwalay na pambobomba sa Tacurong City at Koronadal City.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng PNP sa naturang pagpapasabog.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *