PNP, nakahandang tumulong sa pagsisilbi ng subpoena kay Quiboloy

Nakahandang tumulong ang Philippine National Police sa Senado kasunod ng inisyu nilang subpoena kay Kingdom of Jesus Christ founder at leader Pastor Apollo Quiboloy

Ito ang pagtitiyak ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo kung sakaling kailanganin ang assistance ng pulisya kapag hindi humarap ang religious leader sa isinasagawang imbestigasyon nito.

Sa ngayon, sinabi ni Col. Fajardo ay wala pa silang natatanggap na official request mula sa Senado.

Kaya hindi raw makikialam ang PNP dito dahil ang Senado ang may full authority patungkol sa usapin.

Sinisiyasat ng komite na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros ang mga alegasyon ng sexual abuse ni Quiboloy na nauna na nitong itinanggi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *