PNP, nakapagtala na ng anim na post-election related incidents

Nakapagtala na ng anim na post election related incidents ang Philippine National Police.

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame ngayong hapon, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, mula sa nabanggit na bilang apat ang shooting, at tig isang kaso ng stabbing at hacking.

Naitala sa region 11 ang isang namatay na kapitan, 2 bgy councilor sa region 12 at isang konsehal sa NCRPO.

Samantalang naitala naman sa Region 10 at Calabarzon ang mga injured.

Sa mga insidenteng ito ,sinabi ni Col. Fajardo, dalawa rito ang newly elected bgy captains, at 4 na councilors.

Kaugnay nito, nagbigay na ng direktiba si PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr. sa mga field commanders na tiyakin ang safety at security ng mga bgy at sk officials maging na rin ang mga natalong kandidato sa nakaraang eleksyon..

Nanawagan din ang PNP sa mga opisyal na nakakatanggap ng pagbabanta sa kanilang buhay na lumapit sa pulisya para mabigyan sila ng karampatang seguridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *