PNP nakapagtala ng 20 insidente ng illegal gun discharge mula Dec. 16- Jan. 2 2024

Nakapagtala ang Philippine National Police ng 20 insidente ng ilegal na pagpaputok ng baril mula Disyembre 16, 2023 hanggang Enero 2, 2024

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, sa nasabing bilang tatlo ang pulis, 2 ay sundalo, 12 sibilyan, 1 barangay tanod at 2 ang hindi pa nakikilala.

Nasampahan na ng kaso ang mga natukoy na nagpaputok.

Samantala, tukoy na ng mga otoridad ang suspek sa pagpapatok ng baril sa Bataan na ikinamatay ng isang lalake noong bisperas ng Bagong Taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *