PNP, nakipagtulungan sa mga online platforms para hindi maibenta ang mga paputok online

Maagang nakipag-tulungan ang PNP-Firearms and Explosives Office – Explosives Management Division (EMD) sa kilalang mga online platform sa bansa upang maiwasan na maibenta online ang mga ipinagbabawal na amg fire crackers.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay EMD Acting Chief, PLtCol. AL Abanales, sinabi nito na kinakailangan muna na magkaroon ng lisence permit to sell mula sa kanilang tanggapan ang mga retailers bago makapagbenta ng mga pinapayagang Pyrotechnics o mga fire works.

Ayon kay Col. Abanales, makakaiwas ang publiko sa pagbili ng mga sub standards na produkto kung masusing binabasa ang mga label kaya tinatawagan din ng pansin ng opisyal ang mga manufacturer na magkaroon ng malinaw na instruction ang information sa mga pakete ng kanilang produckto.

Siniguro naman ng EMD na tuloy-tuloy ang mga ikinakasang operasyon kontra paputok at ng hindi na tumaas pa ang bilang ng mga nasugatan dahil dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *