PNP, nirerespeto ang aksyon ng Kamara sa pag-contempt sa dalawa nilang opisyal

Nirerespeto ng Pambansang Pulisya ang authority at power ng Kamara sa pag-contempt sa dalawa nilang opisyal dahil umano sa pagsisinungaling.

Maalalang , pina-contempt ni House Deputy Majority Leader ­Erwin Tulfo sina P/Brig. Gen. Roderick Mariano, dating Director ng Southern Police District at P/Col. Charlie Cabradilla, dating Chief ng Comptroller ng SPD dahil umano sa pagsisinungaling kaugnay ng unlawful arrest, arbitrary detention at robbery laban sa apat na Chinese nationals sa Parañaque City noong Setyembre 2023.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, dapat laging nagsasabi ng totoo ang mga pulis kung sila’y naiimbitahan sa pagdinig sa Kamara o sa Senado man.

Lalo pa’t ang anumang pahayag ng mga ito ay kanilang pinanunumpaan.

Ang mga police officers na na-contempt ay makukulong ng 30 na araw sa Batasan detention facility.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *