PNP Pili, hindi magsasawang magbigay ng paalala sa mga motorista

CAMARINES SUR- Gasgas at paulit-ulit mang marinig, hindi magsasawang magbigay ng paalala sa mga lahat ng mga motorista ang Pili Municipal Police Station kaugnay ng mga naitatalang aksidente sa bayan.

Linggo, Pebrero 18, 2024 nang may mangyaring head on collision sa nasabing bayan sa pagitan ng bus at motorsiklo na nauwi sa pagkakasawi ng drayber ng motorsiklo na napag-alamang residente pa ng Western Samar. Ayon sa ulat ng Pili Municipal Police Station, nag-overtake ang bus sa truck na nasa unahan nito at saka kinain ang kabilang linya na siya namang binaybay ng motorsiklo. Sinubukan pa itong dalhin sa ospital ngunit idinekalra itong dead on arrival ng doktor.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PCapt. Junar Rodriguez, Operations, Investigation at PCAD Officer ng nasabing himpilan, nakafull gear naman ang drayber ng motorsiklo at hindi rin ito nakainom.

Lagi nilang paalala sa mga motorista o sa lahat ng gumagamit ng kalsada ang tripleng pag-iingat sa mga nagbibiyahe ng gabi lalo na sa mga national highways.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *