PNP pinangalanan na ang ikatlong suspek sa pagbebenta ng vaccination slots

Tinukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang ikatlong suspek na nasa likod ng umano’y pagbebenta ng COVID-19 vaccination slots.

Kaugnay nito, kinilala ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang ikatlong suspek na si Nina Ellaine Dizon-Cabrera, founder at CEO ng local make-up brand Colourette Cosmetics.

Paliwanag ni Eleazar, isinama sa listahan ng Anti-Cybercrime Group (ASG) si Cabrera bilang suspek matapos lumabas sa imbestigasyon na nag-alok ito ng 50 hanggang 100 vaccination slots sa Mandaluyong City.

Pero sa kanyang Twitter post, itinanggi ni Cabrera ang naturang alegasyon.

Samantala, una nang naihain ang kaso sa dalawang iba pang suspek na sina Cyle Cedric Soriano Bonifacio, 22, at Melvin Polo Gutierrez, 25-anyos, kaugnay sa estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code, at paglabag sa Section 21-H ng Republic Act 11032 o ang Anti-Red Tape Law of 2007 at Section 6 ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012. // MHEL PACIA -TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published.