PNP Presentacion, nagpapatuloy ang isinasagawang checkpoint at iba pang programa kontra  insurgency at ilegal na droga

CAMARINES SUR — Ilang araw makalipas ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde kung saan isa umanong miyembro nito ang napaslang sa Presentacion, Camarines Sur, nagpapatuloy ngayon ang isinasagawang checkpoint at mga programa ng pulisya sa nasabing bayan kontra insurhensiya at pagsapi sa mga rebeldeng grupo.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Police Captain Mark Spaña, ang Officer-In-Charge ng Presentacion Municipal Police Station, sinabi nitong kabilang sa mga programa nila ang paglapit sa mga komunidad at pakikipagdayalogo sa mga residente at kabataan upang mailayo  sa impluwensya ng rebelde maging ng ilegal na droga.

Kaugnay nito, tiniyak rin ng opisyal na handa ang kanilang hanay sa pagdinig at pakikipag-usap upang mapanatili ang kaayusan at pace orden sa kanilang bayan.

“Kami po sa part ng PNP ay palaging nariyan upang umalalay sa kanila kung sakaling may mga problem sila, personal man o ano pa man. Handa po kaming makinig sa kanila para sa mas maayos at mas ligtas na ugnayan,” ani Spaña.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *