Local News

PNP puspusan ang pagkilos para limitahan ang galaw ng NPA

CAMARINES NORTE- Puspusan ngayon ang pagkilos ng kapulisan sa lalawigan ng Camarines Norte upang mapigilan ang galaw ng mga rebeldeng New People’s Army.

Nais ng PNP na limitahan ang galaw at hadlangan ang planong recruitment ng CPP/ NPA/ NDF sa buong Camarines Norte at sa unang distrito ng Camarines Sur.

Kaya naman sa bayan ng Capalonga ay nagsagawa ng pagpupulong at ugnayang pambarangay ang mga kapulisan sa pamumuno ni PMAJ Herculano  Mago Jr kahapon ng umaga na ginanap sa Rural Health Unit sa Barangay Ubang.

Kasama ng PNP ang Municipal Local Government Operations Operations Officer (MLGOO) sa naturang pagpupulong na pinangunahan ng 9th Infantry “SANDIGAN” Battalion.

Ang nasabing pagpupulong ay ilan sa mga hakbang upang pagtibayin ang ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan, kasundaluhan, kapulisan at mamamayan sa naturang bayan.

Kasabay din nito ay ang patuloy na panghinihikayat  ng nasabing programa na sumuko ang mga miyembro ng maka-kaliwang grupo at tangkilikin ang programang E-CLIP ng pamahalaan.

Hindi rin daw titigil ang kapulisan sa lalawigan  sa pagbibigay ng mga tulong at tamang impormasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa probinsiya.

BNFM Daet

Recent Posts

Sandy Cays na bahagi ng Pag-asa island sa WPS, nasa ‘degraded state’ na

Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…

22 hours ago

RTWPB – inumpisahan na ang pagre-review sa mga sahod

Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…

22 hours ago

Championship games sa Palarong Bicol 2024 – nauwi sa rambulan

NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…

22 hours ago

Inaasahang rollback sa susunod na linggo – nadagdagan pa ng hanggang sa humigit-kumulang isang piso

Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…

22 hours ago

PNP, muling dinepensahan ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…

23 hours ago

Defense chiefs ng PH, Japan, US, at Australia – kinundena ang harassment ng China sa WPS

Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…

23 hours ago