PNP: Quarantine violators, hindi ikukulong, pero hindi rin absuwelto

Nilinaw ng Philippine National Police na walang ikukulong na mga lumalabag sa quarantine protocols, bagama’t hindi rin umano sila absuwelto.

Ito’y matapos muling ipanagawan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga local governments na paigtingin ang pagpapatupad sa health protocols, kasabay ng babala na mananagot ang mga ito sakaling ang paglabag ay nangyari sa kani-kanilang hurisdiksyon.

Nitong buwan lang nang ipag-utos ni Pangulong Duterte sa mga pulis na arestuhin at imbestigahan ang mga indibidwal na hindi nagsusuot ng face masks, at nagbabala pang ang mga violators ay makukulong.

Pero ayon kay PNP Chief Guillermo Eleazar, ang mga violators ay dadalhin lang sa holding areas para sa initial investigation at booking purposes, at bibigyan rin ng ordinance violation tickets at pagbabayarin ng multa.

Samantala, muling iginiit ni Eleazar na kahit ang mga barangay chairmen na bigong maipapatigil ang mass gatherings sa kanilang areas of jurisdictions ay haharap sa kaso. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *