PNP, sinisilip ang pagkasangkot sa hacking ng govt websites ng POGO sa Tarlac

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang impormasyong sangkot sa surveillance at hacking sa mga government website ang niraid na POGO hub sa Tarlac

Ito’y makaraang magpahayag ng pagkabahala si Sen. Risa Hontiveros na posibleng sangkot sa surveillance at hacking incidents sa mga website ng iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan ang kumpaniyang Zun Yuan Technology Inc.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, kung totoo man ang impormasyon ay makikipag-ugnayan sila sa tanggapan ni Sen. Hontiveros

Gayunman, sinabi ni Fajardo na mahigpit nang nakikipag-ugnayan ang PNP Anti-Cybecrime Group sa Department of Information and Communications Technology at sa iba pang ahensya para beripikahin ang naging pahayag ng Senadora

Pero pagtitiyak ng PNP, tinututukan nila ang naturang usapin bagaman wala namang seryosong banta sa kasalukuyan subalit hindi sila magpapaka-kampante sa sitwasyon dahil sa ito’y patungkol sa pambansang seguridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *