PNP-SOSIA: bawal ang pagsusuot ng mga Holiday costumes sa mga security guards

Nagpaalala ang PNP – Supervisory Office for Security and Investigation Agencies o PNP-SOSIA sa mga establishments na huwag nilang pagsuotin ng mga costume ang kani-kanilang mga security guards.

Sabi ni PNP-SOSIA Acting Chief PBGen. Gregory Bogñalbal, hindi nila pahihintulutan ang mga Christmas cosumtes gaya na lamang ng pagsusuot ng mga Santa Claus costumes.

Aniya, posible raw kasing gamitin ito bilang disguise ng mga kawatan.

Dahil diyan – maaari silang malusutan at mapasok ng mga masasamang loob.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *