PNP, tiniyak ang mahigpit na seguridad para sa Lanao del Sur special elections

Siniguro ng Philippine National Police na bantay-sarado at mahigpit ang seguridad na ipatutupad sa mga isasagawang special elections sa Lanao del Sur.

Isasagawa ang naturang halalan sa 12 barangay sa Bayan ng Tubaran matapos ang unang idineklarang failure of elections sa mga lugar na ito dahil sa mga naitalang kaguluhan noong Mayo a-nueve.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, tinatayang aabot sa 800 mga personnel mula sa pinagsanib-puwersang tauhan ng pulisya at mga tropa ng Armed Forces of the Philippines ang inaasahang ide-deploy sa lugar.

Sa kasalukuyan, wala pa raw silang namo-monitor na kahit ano pa mang banta ng seguridad at panggugulo sa mga nabanggit na barangay.

Samantala, naghihintay pa rin ang PNP ng abiso mula sa COMELEC kung kailan naman isasagawa ang special elections sa dalawa pang mga barangay sa mga bayan ng Binidayan at sa Butig.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *