PNP, tiniyak ang seguridad sa anibersaryo ng Edsa People Power

Idinepensa ng Philippine National Police ang latag ng kanilang seguridad sa anibersaryo ng Edsa People Power sa linggo partikular ang pagdedeploy ng mahigit 6k pulis na pulis sa Metro Manila

Sagot ito ng PNP sa pahayag ng grupong Bayan na animoy police power at hindi people power ang mangyayari sa paggunita ng Edsa anniversary.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, dapat maunawaan ng mga raliyista na proteksyon din ito sa kanila at hindj lang sa mga maaaring maapektuhan ng kanilang pagkilos.

Sinabi ni Col. Fajardo na hindi nila inaalis ang posibilidad na may ibang grupo na manggulo sa mga pagtitipon.

Aniya, may mga pagkakataon na noon na sumasabay ang mga anti o kontra sa mga nagkikilos protesta na sya namang nagdudulot ng tensyon at kaguluhan.

Kaya sa tingin aniya ng PNP, walang mali sa latag ng kanilang seguridad at katunayan ay nakahanda pa silang magdeploy ng karagdagang pwersa kung kakailanganin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *