PNP, tiniyak na babantayan ang minimum health protocols sa mga magsi-Simbang Gabi

Umapela ang Philippine National Police (PNP) sa publiko, partikular na ang mga dadalo sa mga Simbang Gabi na panatiliin pa rin ang pagsunod sa mga minimum health protocols laban sa COVID-19.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, nararapat lamang na alalahanin ng mga Pilipino na mayroon pa ring presensya ng nakahahawang virus kaya kailangan pa ring mag-doble ingat para maiwasan ang infection nito.

Kaugnay niyan, sinabi ni Fajardo na maliban sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa mga Simbahan para sa siyam na araw na Misa de Gallo – isa rin sa tututukan nila ay ang compliance ng publiko sa mga health protocols.

Sa ganitong paraan aniya ay matitiyak na ligtas na magugunita ang Kapaskuhan.

Matatandaaang kahapon, isinailalim na sa full-alert status ang buong PNP para masiguro ang mapayapang pagdiriwang ng Holiday Season.

Sa ngayon, wala pa ring mga namo-monitor na seryosong banta ang mga Kapulisan, pero patuloy ang kanilang paalala sa publiko na manatiling vigilant at alerto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *