PNP traffic nagpapa-alala sa mga motorista upang maiwasan ang disgrasya sa daan!

KORONADAL CITY- MULING nagpapa-alala ang tanggapan ng PNP traffic ng Koronadal sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang aksidente sa daan.

Ito ang inihayag ni Police Staff Sergeant Fely Bascon, traffic investigator ng PNP traffic sa panayam ng Brigada News FM Koronadal.

Ayon kay Bascon, karamihan sa mga vehicular accident na naitala sa Koronadal ang nangyayari sa National Higway, Barangay Saravia nitong lungsod.

Kabilang sa mga aksidente sa daan na kanilang nare-respondihan ang mga aksidente na self- accident, lasing na mga driver, naka-bangga ng aso at iba pa.

Sa ngayon hiling ng opisyal ang responsableng driver upang maiwasan ang disgrasya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *