PNP, tukoy na ang election areas of concern para sa BSKE

Tinukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang anim na mga rehiyon na inaasahang mayroong mainit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Halos limang buwan bago ang halalan sa Oktubre, inisa-isa ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo ang mga lugar na may banta ng mga teroristang grupo, ‘o ‘di kaya naman ay mga private armed groups na maaaring manggulo.

Sa isang panayam, sinabi ni Fajardo na kabilang sa mga ito ay ang BARMM, habang mayroon ding iilan sa Regions I, V, VI, XIII at sa CAR.

Nakalatag na rin daw ang ilan sa kanilang mga security measures para sa mga areas na maaaring makasama sa listahan ng kanilang mga ‘elections areas of concern’.

Ipauubaya naman na nila sa Commission on Elections (COMELEC) ang paglalabas ng listahan ng mga election hot spots.

Sa ngayon, tuluy-tuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang tuluyang masawata ang mga private armed groups. //LGD, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *