PNP, tuloy-tuloy ang paghahanap kay Bantag

Tuloy-tuloy ang ginagawang paghahanap ng Philippine National Police (PNP) kay dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag na kinasuhan ng murder dahil sa pagkamatay ng brodkaster na si Percy Lapid.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, sinabi nitong umaapela sila sa sinumang may impormasyon sa kinaroroonan ni Bantag na agad na makipag-uganyan sa PNP.

Nagbabala rin si Fajardo sa mga nagkakanlong o tumutulong sa dating Bucor chief para maiwasan ang kasong isinampa laban sa kanya na maaaring maharap din sila sa kaso.

Sa halip daw na tulungan ito, ay makipag-tulungan na lang sa pulisya para mabigyan ng hustsiya ang ginawang pagpatay kay Lapid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *