PNP, tutulungan ang BFP para resolbahin ang issue ng isang fire officer tungkol sa sale scam

Ipinag-utos ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang mas malalim na imbestigasyon sa umano’y pagkakadawit ng tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa promotion for sale scam sa bureau.

Mababatid na kamakailan ay nahuli ng DILG si Fire Officer 1 Ramces Paul Benipayo ng Muntinlupa Fire Station sa isang entrapment operation, sa tulong ng mga naka-undercover na tauhan.

Arestado si Benipayo matapos tanggapin ang P200,000 na marked money mula sa kanyang kaklase at kapwa firefighter mula sa Western Visayas – na siyang pinangakuan ng arestadong fire officer ng promotion kapalit ang pera.

Ani Abalos, hindi nila kukunsintihin ang naturang ilegal na gawain.

Ito na rin aniya ang dahilan kung bakit niya pinag-utos sa Philippine National Police (PNP) na tulungan ang BFP para mapapanagot ang mga taong nasa likod ng issue.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *