PNP – umapela kay Trillanes na ilayo sila sa pulitika

Umapela ang Philippine National Police (PNP) kay dating senador Antonio Trillanes na ilayo sila sa pulitika.

Ito’y kasunod na pahayag ng dating senador na sangkot umano ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng PNP sa planong pagpapatalsik sa pwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa panayam ng Brigada News Fm Manila kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, sinabi niyang hindi ito ang unang beses na idinawit ni Trillanes ang PNP sa destab plot laban sa administrasyon , at iginiit na walang dahilan para sa mga aktibong pulis na lumahok sa ganitong klaseng usapin.

Mataas aniya ang morale ng mga pulis at naka pokus sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Hinikayat din ni Col. Fajardo si Trillanes na ipaliwanag ng maigi kung sino ang source ng kanyang pahayag.

Pag-aaralan na rin ng PNP kung sapat bang maging batayan ang mga pahayag ng dating mambabatas para sa pagsasampa ng kasong inciting to sedition laban sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *