PNP: Wala pang ICC warrant of arrest vs DU30

Hindi ipatutupad ng Philippine National Police warrant of arrest ng International Criminal Court laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sakaling lumabas ito.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col Jean Fajardo, suportado nola ang naunang pahayag ng Malakanyang na walang hurisdiksyon ang ICC sa bansa.

Muling sinabi ni Col. Fajardo na may sariling judicial system ang bansa at ito ay gumagana.

Samantala, wala pang impormasyon ang PNP sa pahayag ni dating Pangulong Duterte na may nakaumang na pag-aresto sa kanya.

Nabatid na mismong si Presidential Spokesperson Harry Roque ang nagsabi na may pending warrant of arrest si Duterte.

Tinawagan kasi umano sya ni Duterte na posible syang maaresto ano mang oras.

Hindi nabanggit ang dahilan sa posibleng pag-aresto kay Duterte pero matatandaan na iniimbestigahan sya ng International Criminal Court kaugnay sa war on drugs na nilunsad sa ilalim ng kanyang administrasyon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *