PNP, walang direktiba sa umano’y surveillance kay Pastor Quiboloy

Walang kautusan na inilalabas ang Philippine National Police na sailalim sa surveillance si Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo sa panayam ng mga mamamahayag ukol sa audio statement na inilabas ni Pastor Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ

Ayon kay Col. Fajardo , walang pagbabantay kay Quiboloy lalu na ang sinasabi nitong umanoy pangri-raid.

Hindi rin aniya minomonitor ang sinuman sa kanyang mga followers.

Sa voice message na in-upload sa youtube kahapon, inakusahan ni Quiboloy ang United States government na may assassination plot laban sa kanya.

Sabi Fajardo, salita ito na galing mismo sa religious leader at hindi aniya batid ng PNP kung saan ito nanggaling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *