PNP, walang naitalang untoward incidents sa unang araw ng Simbang Gabi

Walang naitalang untoward incidents ang Philippine National Police sa unang araw ng simbang gabi.

Ito ang sinabi ni PNP Public Information Office chief Col. Jean Fajardo sa Briga News Fm kasabay ng paalala sa publiko na manatiling mapagmatyag upang hindi mabiktima ngayong holiday season.

Nauna nang nag-deploy ng 39,000 na mga pulis sa iba’t- ibang bahagi ng bansa noong December 15.

Ito’y matapos itaas ng PNP sa full alert ang kanilang hanay bilang paghahanda sa kaliwa’t kanang aktibidad ngayong kapaskuhan.

Bagama’t walang namo-monitor na security threat ay mahigpit ang gagawing pagbabantay ng PNP sa mga simbahan, pantalan, paliparan, terminal ng bus, pampublikong lugar at iba pang matataong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *