PNP, walang namo-monitor na pulis na sangkot sa destab plot sa Marcos admin

Walang namo-monitor na aktibong pulis ang Philippine National Police na sangkot umano destabiolization plot sa administrasyong Marcos.

Ito ang ginawang paglilinaw ni PNP Public Information Offoce Chief Col. Jean Fajardo, matapos makausap si PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil at sa beripikasyon sa intelligence units ng PNP.

Hinikayat ng PNP si dating Senador Antonio Trillanes IV na ipaliwanag ng maigi ang kanyang naunang pahayag hinggil sa sinasabing may mga dati at kasalukuyang opisyal ng PNNP na kabilang sa nagpa plano na patalsikin sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Apela ni Fajardo sa dating mambabatas, na lubayan ang pagdadawit sa PNP sa alegasyon ng pagkakaroon ng sabwatan sa PNP at sa dating mga opisyal nito para sa isang destabilization plot laban sa pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *