PNR, ititigil ang operasyon sa NCR mula March 28

Sususpendehin ng Philippine National Railways (PNR) ang operasyon nito sa Metro Manila simula March 28, Araw ng Huwebes.

Ito’y para magbigay-daan sa pagtatayo ng North South Commuter Railway (NSCR) Project.

Ayon sa PNR, ang mga istasyong kasama sa suspension ay Governor Pascual-Tutuban at Tutuban-Alabang, ang dalawang magkatapat na end station ng PNR sa National Capital Region.

Samantala, wala pang tiyak na timeline ang PNR kung gaano katagal ititigil ang mga operasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *