POC, tinanggal na ang suspension sa PATAFA

Inanunsyo ng Philippine Olympic Committee (POC) na ibinasura na nila ang resolusyon na nagdedeklara kay Philip Ella Juico bilang persona non grata, habang tinanggal narin nila ang suspension laban sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

Ayon kay POC president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, ang paglift sa resolusyon ay bunga sa matagumpay na mediation sa pagitan ng pole vaulter na si Ernest John ‘EJ’ Obiena at ng PATAFA.

Mabatid na ang sigalot sa pagitan ni Obiena at ng national sports association (NSA) ay nagtapos noong nakaraang linggo, matapos na magkasundo ang dalawang panig para sa settlement.

Dahil dito, ibabalik na ng PATAFA si Obiena sa national team roster, at i-endorso ang kanyang paglahok sa international competitions, kabilang na sa nalalapit na Southeast Asian Games at ang Asian Games.

Samantala, dahil sa pagtanggal sa parehong sanctions, sinabi ni Tolentino na si Juico at ang PATAFA ay magbabalik na sa kanilang active status sa POC. //MHEL PACAIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *