Poe kay Eleazar: Isama ang pag-gamit ng body camera sa first mission orders

Hinimok ni Senator Grace Poe si Philippine National Police chief Police Lieutenant General Guillermo Eleazar na isama ang pag-gamit ng body cameras sa mga “first mission orders,” para mas lalo pang maging professional ang mga ito sa field.

Ayon kay Poe, kilala si Eleazar sa pagsasagawa ng inspections at laging tinitiyak na ang mga pulis ay nagpe-perform ng maayos.

Dagdag ng senadora, ito rin umano ay magiging bahagi sa compliance ng PNP sa kautusan ng Supreme Court para sa mga pulis na magsuot ng body cameras sa pagsisilbi ng search at warrant of arrest.

Binigyang diin nito na ang body at dash cameras ay available at affordable technology na ginagamit ng police forces sa iba’t-ibang bansa.

Sa gitna nito, kampante ang mambabatas na agad mareresolba ni Eleazar ang privacy at operational issues kaugnay sa pag-gamit ng body cameras. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *