Police Community Affairs and Development V, tiniyak ang kaligtasan ng mga Bikolano laban sa kriminalidad

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Police Community Affairs and Development V na patuloy ang kanilang mga ginagawang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga Bikolano laban sa kriminalidad.

Ayon kay Police Staff Sergeant Mercolito P. Lovendino Jr., target nilang mahigitan ang resulta ng Tugon ng Masa Octa Research na 80% ng mga Pilipino ang may tiwala sa kapulisan.

Aniya, mas palalakasin pa nila ang mga programa at ang mandato na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Sa ngayon, tiniyak naman ni Lovendio na kaniyang pananagutin ang sinuman sa kanilang tauhan na masasangkot sa anumang uri ng krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *