Poll body, posibleng makasuhan sa pagtanggap ng mga lagdang mula sa ‘unkown entity’

Idiniin ni Senate Minority Koko Pimentel na kuwestyonable ang isinusulong na People’s Initiative.

Sabi ng Senador – malinaw daw na mayroong ‘bad faith’ dito.

Mayroon na rin daw ‘justiciable controversy’ na dahilan para maharap sa reklamo ang Commission on Elections (COMELEC).

Ito ay dahil sa pagtanggap ng mga pirma para sa People’s Initiative gayong nagmula naman daw ito sa isang ‘uknown entity’.

Hindi raw kasi maituturing itong ‘minesterial duty’ gayong kuwestyonable ang paraan at pinagmulan ng mga lagda.

Dahil dito, posible raw maharap sa kaso ang COMELEC.

Maaari rin aniyang idulog ito sa Korte Suprema.

Matatandaaang kahapon nang maglabas ng manifesto ang kabuoan ng Senado para tutulan ang People’s Initiative.

Maging si Senate committee on Constitutional Amendments chair Senador Robin Padilla na supporter ng Cha-cha ay nakalagda rin sa manifesto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *