POLO: 35k Filipino workers sa Taiwan, eligible para sa permanent residency

Papapalo sa 35,000 na mga Filipino workers sa Taiwan ang magiging kwalipikado na maka-avail sa bagong permanent residency program ng naturang bansa, na magiging epektibo sa Abril.

Ayon kay Philippine Overseas Labor Office (POLO) Taipei Labor Attaché Cesar Chavez Jr., na sa ilalim ng initial guidelines, makakakuha ang mga foreign workers ng Alien Permanent Resident Certificate (APRC) sakaling matupad nila ang required tenure na anim na taong pagta-trabaho, maliban sa isa pang limang taon ng employment.

Bago nito, ang mga manggagawa sa manufacturing industry ay pinapayagan lang ng maximum na 12 taon, at ang mga employed bilang mga caretakers at domestic workers ay kailangang mayroong 14 na taon.

Paliwanag ni Chavez Jr, ito ang nakikitang solusyon ng Taiwanese government, dahil may mga kulang rin umano silang mga workers, kaya pinapayagan na nilang maaaring mag-qualify ang matatagal na sa kanilang bansa.

Sa ngayon, nasa mahigit 140,000 ang Filipino workers sa Taiwan, kung saan 85% sa kanila ay nasa manufacturing, habang 15% ang mga caregivers o domestic workers. //MPT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *