Pondo para sa digitalization ng bansa, dinagdagan sa 2024 NEP

Tumaas ng halos 61% ang inilaang pondo ng Department of Budget and Management o DBM para sa digitalization ng pamahalaan.

Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, kailangan nang yakapin ng buo ang digitalization sa mga transaksyon sa gobyerno, kaya ginawang 38.75 billion pesos ang alokasyon sa taong 2024, kumpara sa 24.9 billion pesos ngayong taon.

Paghahatian ng sampung ahensya ng gobyerno ang malaking bahagi ng ICT at digitalization budget.

Kabilang dito ang DepEd, DOJ, DICT, DOF, DILG, NEDA, Judiciary, DND, DENR at iba pang Executive Offices.

May pondo ring inilaan para sa libreng WiFi connectivity sa mga pampublikong lugar at state colleges and universities, kung saan layong makapag patayo ng 50 broadband sites sa 82 lalawigan sa bansa.

Ang pag update sa teknolohiya at pag maximize ng pag gamit nito ay batay sa layunin ni Pangulong Bongbong Marcos na magkaroon ng whole-of-government approach sa pag sugpo sa red tape at makalikha ng trabaho sa lumalawak na digital economy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *