Pondong P541M para sa climate projects inilabas ng pamahalaan

Inilabas na ng pamahalaan ang P541 milyong pondo para sa anim na climate change adaptation projects sa iba’t ibang komunidad.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang people survival fund ng bansa at ang mga pinupondohan nitong proyekto ay magsisilbing bantay para mabawasan ang epekto ng climate change sa Pilipinas.

Kabilang na dito ang Climate change field school para sa magsasaka sa Mountain Province, pinaunlad na flood management system sa Bukidnon, at solar irrigation system sa Isabela.

Samantala, nakatakdang umalis si Pangulong Marcos ngayong araw pa dumalo sa UN framework convention on climate change sa Dubai.

Ayon sa pangulo hihimukin niya ang global community na gampanan ang kanilang papel sa paglaban sa climate change.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *