Pope Francis at President Milei, nagyakapan sa canonization ni Mama Antula

Nagyapakan sina Pope Francis at ang kanyang vocal critic na si Argentine President Javier Milei sa pagsama-sama ng mga pulitiko ng Argentina matapos i-canonize ang kauna-unahang Santo ng kanialng bansa.

Maalalangh tinawag na “imbecile” ni Milei ang Santo Papa, at minura pa, ngunit natigil ito noong naupo siya sa pwesto noong Disyembre.

Para naman kay Pope Francis, hindi niya masyadong dinamdam ang mga insultong natanggap niya dahil ang mahalaga ay kung ano ang ginagawa ng mga pulitiko sa opisina, sa halip na sa landas ng kampanya.

Pinangunahan ni Francis ang isang canonization Mass sa St. Peter’s Basilica para kay Maria Antonia de Paz y Figueroa, na mas kilala bilang “Mama Antula,” isang 18th century consecrated lay woman na tinalikuran ang kayamanan ng kanyang pamilya para tumuon sa charity at Jesuit spiritual exercises.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *