Pope Francis, kinansela ang COP28 trip sa Dubai

Kinansela ni Pope Francis ang kanyang COP28 climate talks matapos ang payo ng mga doktor na nag-aalala tungkol sa kanyang kamakailang mga flu-like na sintomas.

Ayon kay Vatican spokesman Matteo Bruni, nag-improve naman na ang kondisyon ng Santo Papa pero dahil sa abiso ng doktor ay hindi na ito matutuloy sa nasabing bansa.

Dagdag pa ni Bruni, nais talaga ni Pope Francis na maging bahagi sa talakayan sa Dubai.

Balak kasi nitong gamitin ng Santo Papa ang kanyang plataporma upang kastiguhin ang mga bansa dahil sa kawalan ng aksyon sa pagbabago ng klima, at hikayatin ang mga ito na bawasan ang kanilang mga greenhouse gas emissions.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *